Sabado, Pebrero 9, 2013

Para kay R: Second wave


Part Two

Dated: April 8, 2012

Wala naman tayong relasyon, as in wala. Pero bakit ang sakit sakit nitong nararamdaman ko? Nasasaktan ako kaapag nakikita kong nilalambing mo siya. Oo, alam ko girlfriend mo eh, ako naman, wala pa nga sa friendzone.

Bakit kasi hindi kita kayang kalimutan?  :(

Pag sinusubukan ko, pag ginagawa ko, kapag pinipilit ko, mas lalong masakit. Akala ko mas magiging masaya ako na makita lang kita masaya. Masaya din naman ako kaso, ang hirap ipantay. Mas lamang 'yung pangungulila ko sa'yo. 'Yung kagustuhan kong isigaw na "tumingin ka naman sa direksyon ko. Nsasaktan na kasi ako!"


Pero ano nga ba nag pakialam mo sa kalagayan ko? Hindi naman talaga tayo magkaibigan, ni hindi tayo nag-uusap. Lihim lang akong nagmamahal sa'yo, at hanggang dun na lang ata 'yun. Tinangka ko namang sabihin sa'yo kaso wala akong natanggap na sagot mula sa'yo. Siguro, kung ni-reject mo na lang ako nung araw na'yun, hindi siguro ako maghihintay, aasa at mag-aassume pa ng higit sa dapat kong asahan sa hindi mo pagsagot. Bakit nga ba wala pa ring sagot ang natatangi kong tanong? Oo o hindi lang naman 'yan eh. Kung wala ka talagang nararamadaman paara sa akin, sabihin mo para hindi na ako nasasaktan ng ganito. Pero siguro nga iniisip mo na matalino akong babae at malalaman ko rin ang sagot dahil hindi ka nakipagbreak sa girlfriend mo at lalo mo pang ipinapakita kung gaano mo siya kamahal sa aking harap. No need for words, your actions say it all. Gusto ko sanang isipin na ganun na lang pero tuwing umaga parang nare-reset ang notion na 'yan at bumabalik ang feelings ko para sa'yo. I truly am hopeless.

Hopelessly inlove with a guy who doesn't even care.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento