Found some journal notes that I've been hoarding up for 2 years. Maybe it's about time na ilabas ko na siya mula sa baul. As a sign of moving on and letting go.
Dated: June 23, 2011
Kung gagawa ako ng isang sulat para sa taong gusto ko, gusto ko parang isang nobela.
Isang nobelang walang katapusan,
para masabi ko lahat ng nararamdaman ko para sa kanya,
walang katapusang mga salitang nagpapahayag ng matagal ko ng itinatagong damdamin.
Ang mga katagang kay hirap sabihin kapag kaharap ko siya, mga bagay na nais kong ipaabot sa kanya pero naduduwag akong malaman niya.
Sino ba itong taong gusto ko?
Ang taong nakasungkit ng puso ko ay isang nilalang na nakakatakot sa unang tingin. Hindi dahil pangit o mukhang sanggano, pero dahil sa mga mata niya.
Makikita mo sa mga mata niya na hindi siya kaagad nagtitiwala. Parang "off-limits" ang parte ng pagkatao niya na iilan lang ang masuwerteng nakakakilala.
May mga pagkakatong seryoso siya, minsan masayahin at nakakatuwa ang mga ekspresyon. Masaya ako kapag masaya siya, natatawa ako kapag nagpapatawa siya. Napapangiti ako kapag nakangiti siya.
Kahit na maingay sa classroom, nangingibabaw pa rin ang boses niya, ewan parang may radar ako pagdating sa kanya, parang lang.
Nung una ko siyang makilala, takot talaga ako sa kanya.
Pinagtatambal kami pero hindi ko pa alam o hindi ko pa napagtatanto na gusto ko pala siya.
Tsaka na lang, nung nadiskubre kong napakalayo niya pala.
Para siyang isang tala na mahihirapan akong abutin at pakiramdam ko, papagurin ko lang ang sarili ko kapag ipinagpatuloy ko pa ang paghahangad sa isang katulad niya.
Kahit na inilalagay ko siya sa isang pedestal, may mga bagay din na ayaw ko sa kanya, na kahit ginagawa niya gusto ko pa rin siya.
Ayoko talaga sa isang lalaki na naninigarilyo, ayoko sa isang lalaking pala-mura at nakakayang murahin ang isang babae at siyempre ayoko na ng musikero (long history).
Nagyoyosi siya, umiinom, pala-mura (pero bagay din naman sa kanya), musikero at mahirap lapitan.
Pero siya ang dream guy ko, heavensent.
I asked God if I could meet the guy who at least meets half of my standards. He did grant me my prayers. I met A.R.H.R, he didn't just meet my standards but exceeded my expectations. It wasn't easy trying to deny how he makes my heart skip a beat or two.
An embodiment of my dreams.
It's like God said, "There he is". But to my disappointment, I came to realize that my dream guy is actually too good for me. I worry, what if "I" don't meet his standards?
Then a thought struck me, although my dream came to a reality, it doesn't mean the dream stopped there.
I just have to continue dreaming then.
Isa lang naman itinitibok ng puso ko kapag nandiyan siya eh, "MAHAL KITA, Ramon."
***
Nakakainis, I want to strive to be someone na worthy man lang sa paningin ni SP (Superpotato=Ramon), but I always fail. At one point, I started giving up on trying.
At kahit ano naman ang gawin ko, I WILL NEVER BE WORTHY OF HIM.
Past ko pa lang, epic failure na.
Ugali and personality pa kaya?
Round 1, K.O na agad!
I hate this, it's hard to love someone secretly, and secretly waiting for a chance to tell him how you feel but end up in vain.
I waited for 11 years for someone who had no idea of my existence, somehow.
And now , I'm afraid I might end up in the same predicament again.
Natatakot ako paano kung after 11 years siya pa rin ang mahal ko?
Sigh. Grrrrrrrrrrrr... iwas na lang. Yeah, dun naman ako magaling eh. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento